Saturday, September 24, 2016

Colors



Black and White.
Thats All I can see in this World without you.

Thats the Earths Rule now.
Black and White lang ang makikita mo.
But soon, Colors will appear and bloom as soon as you find or touch your soulmate.
The Love of Your Life.

"Hey Nicole?" El snapped her finger in front of me that brought me back to Reality

Napabuntong hininga nalang ako.

"Whats with the sigh?" tanong nya.

"Nah. Nothing. Just continue your business" Sabi ko nalang at dali daling pumunta ng kusina

"You are my business now. So tell me, This is all about The Colors again right?" kinukulit parin ako ni El aish. Pero imbis na sumagot, binuksan ko nalang ang ref at humugot ng isang chocolate bar.

"Nicole. You dont Have to rush things. Wait for everything to fall into places. Trust in destiny" pagdradrama ni El at kumagat sa dala dala kong chocolate bar

"Pfft. Im going to the Grocers. Were almost out of Stocks" pagiiba ko ng usapan

"Ok. Ill go with you" Sabi nya as she prepared herself to go

"Nah. I can handle. I wanna be alone" sabi ko nalang at naglakad na papuntang mall

Okay.
Actually di mo naman gaanong maappreciate ang beauty ng paligid eh. Black and White nga kasi.

*Bump*

Aray naman ah, may nabangga pa ako.

"Im sorry miss" I heard him speak.
Dahil na Curious ako sa itsura nya, napatingin ako sa kanya.

Mukhang may itsura naman tong si Kuya.

"Its okay. By the way, Nicole" I greeted him with a smile at inabot ang kamay ko para makipagshakehands

"James"  tipid nyang sagot pero may ngiti naman sa labi at inabot nya ang kamay ko kaya tuluyan kaming nakapagshakehands.

OMG
Is this real?
Tama nga si El.
Believe in Destiny

Colors started to bloom.
I can already see him Clearly.
His Dark-Brown Eyes, His Tan skin and Dark Hair.
He's Cute and Innocent Face.

"Hey, Are you alright?" Nabalik ako sa realidad nang nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Napabitaw naman ako sa kamay nya kaya tuluyang bumalik ang black and white na paligid.

"Im okay. Thank you" Sabi ko at akmang aalis na

"Wait, Nicole. Can I get your number? I think we need to hangout sometime" sabi nya sabay abot ng phone nya.

Tinype ko nalang ang number ko at hindi ko mapigilang ngumiti.
Shems totoo ba talaga to.
The Love Of My Life.

"Thank you. But Im sorry I gotta go, My moms waiting for me for a millennium. See you around" sabi nya at tumakbo na papuntang parking lot.

Shems. I need to go home.
Ganito pala yung feeling no.
Ang sarap.
Ang gaan gaan.

Di na nga ako nakabili ng supplies kasi nakalimutan ko na yun HAHAHA

"Eeeel! I Found him. I found the love of my life" Sabi ko sa kanya with matching talon talon pa

"What do you mean?" takang taka parin si El Sa nangyayari.

"I touched a Guy. I saw the colors. I saw The Love of my life. You were Right El. Believe in destiny" Di ko na mapigilan ang sarili ko kaya andaming kong nagawang hand gestures.

"Reallly?!? Whos the Lucky guy?" Excited rin nyang tanong

"James" sa pagkakasabi ko naalala ko nanaman yung cute at maamo nyang mukha.

"So whats the plan?"she asked me again.

Sasagot na sana ako ng biglang nagring ang phone ko.

*One Message Recieved*

This is James. Can we Hangout tonight? Im free

Lord di ko na to kinakaya OMG
Oo pupunta ako Takte anong isusuot kooooo!

-------------

Two months na since nagkakilala kami ni James.

Wala pa namang official na kami but I know were heading there.

Actually nasa Park nga ako ngayon, Im waiting for James. May sasabihin daw sya sa akin.

"Oh there you are" narining kong sabi ni James sa may gilid.

"Ive waited for you for a long time" Pacute kong sabi. Kadiri eh no?

"Traffic" Tipid nyang sagot.
Bat ang tipid nya talaga sumagot? May bayad ba bawat salita?

"So what is it? Anong sasabihin mo sa akin?" di ko mapigilang maexcite Haha Omg magtatapat na sya.

"Oh. Oo nga pala." Natahimik sya sandali. Ako naman, I was waiting for his next words

"I passed the board exam" Medyo upbeat yung pagkakasabi nya nun.

Shimay. Nicole bakit ka umasa.

"Oh? Good" wala lang, tinamad lang ako

"Arent you happy for me?" tanong niya sa akin. Pero imbes na sagutin ko yung tanong nya, Sinagot ko nalang sya ng isa pang tanong

"Do you see it too?" Walang emosyon kong sabi

"What are you talking about?" kumunot naman yung noo nya dahil sa narinig

"The Colors? Ngayong magkadikit tayo! Can you see the colors?" mangiyak ngiyak ko na sabi

"Im Sorry Nics, But Im really sorry for ruining your fantasies. Im just here for our friendship, not a relationship." Sagot nya at tumayo na sya sa Bench

"All t-this time, I-I thought you were the one." my voice begins to crack. Di ko na ata mapigilan ang luha ko.

Nakita ko syang maglalakad na sana palayo kaya hinigit ko ang kamay nya.

Wala na yung colors. Black and White parin kahit nakahawak ako sa kanya.

This is the End for us.
Binitawan ko nalang sya.
I set him free.

All I can do now is Cry and Cry and Cry.
I really cannot accept the fact na naniwala ako sa Destiny. Sa Fate. Kay James.

"Are you alright miss?" narinig kong sabi ng isang lalaki sa harapan ko.
Nakikita ko lang ay isang pares ng paa dahil nakayuko ako.

"Do you think Im Ok?!?" Medyo galit ako na malungkot.

"I think you need this" tinaas ko ang ulo ko para makita ko ang tinutukoy nya.

Inabutan nya ako ng panyo.
I really need this.

Napatingin naman ako sa mukha nya. May Itsura naman, Gwapo.

"Before I forget. Jasper" Nakasmile nyang sagot at inabot ang kamay nya sa akin.

"Nicole" tipid kong sagot at nakipagshakehands sa kanya.


Then the Colors started to bloom.

Thursday, September 22, 2016

Reflection

"What if We can Pass through Mirrors, But our Reflection is Just Blocking us?"

Minsan ko nang naitanong yan sa sarili ko. I don't know kung bored ako nun o sadyang naganalyze ako.
Basta, Pumasok lang yun sa isip ko.

Napaupo nalang ako sa kama ko habang pinagmamasdan ang Repleksyon ko sa kaharap kong salamin.

"Hoy. Walang Kwentang Anak! Maglaba ka na dito bilis! Pucha! Wag pabagalbagal" Narinig kong sigaw ng nanay ko.

Papunta na sana akong banyo nang bigla nalang akong sinikmuraan ng Tatay ko. Halos di ako Makahinga sa sakit ng pagkakasuntok nya sa akin. Tiningnan ko sya, Senyas ng pagtatanong ko kung "bakit?"

"Bastardo! Ikaw nanaman ba ang kumuha ng pera ko dito sa Wallet ko. Halos wala na nga tayong makain, Magnanakaw ka pa. Pucha"

Imbes na sumagot, Tinungo ko nalang ang kwarto ko upang kunin ang alkansya ko para ipambayad sa ibinibintang sa akin ni tatay.

"Nasan na yung laman" Napabulong nalang ako nang makita kong wala nang laman maski piso ang alkansya ko. Kinuha nanaman siguro to ng kuya ko para pang inom nya.

Rinig ko ang nanay at tatay ko na sabay sabay na nagsisisigawan at galit na galit sa akin. Rinding rindi na ako.
Kinandado ko ang pinto ng kwarto ko. Hinarap ko ang salamin pati ang Repleksyon ko.

Oo.
Naiintindihan ko na ang lahat.

"We can pass through mirrors but our reflection is protecting and blocking us, Because they know that the other side is Horrifying and Painful"

I must be in the wrong side.
I am the Reflection

Sunday, September 18, 2016

Mga Repapips




Sa ating panahon ngayon marami na ang taong gumagamit ng iba't ibang uri ng teknolohiya, gadgets, mobile cellphones, telepono, komputer at iba pa. Ito rin ang naging daan saating panahon upang mapadali ang mga uri ng komunikasyon sa isa't isa. Sa pag-susulat ng isang aklat, mensahe, talata, liham,  at iba pang mga sulatin ay inaasa narin natin sa teknolohiya. Ngunit ito ba ay nakakabuti sa atin? Sa pamamaraan ng ating wika at komunikasyon. O ito'y nakakasama sa implementasyon ng wikang filipino. Nang dahil sa teknolohiya ang mga Pilipino ay nakabubuo ng mga salita na naidadagdag natin saating pang araw-araw na buhay. Ngunit ang karamihan dito ay mga salita na walang kabuluhan at paggamit ng mga maling gramatika at pagbabaybay. Paghahalo-halo ng salitang ingles saating wika na nagiging normal saating buhay.

May mga salitang naibaon na sa limot, may 'di na mauunawaan ng karamihan, may umuusbong, may bumabalik ngunit may iba nang pakahulugan.


Gaya ng mga gamit sa katawan, sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino. At kahit nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-uugnay ang mga Pinoy kahit saan man at kahit ano man ang kanilang katayuan.


Ang hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy ay inihalintulad ni National Artist for Literature Virgilio Almario sa pera na nawawala sa sirkulasyon.

"Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino.

"Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi nagbago ang lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya.

Sinabi pa ni Almario na buhay ang wika kapag nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng panahon.

Paliwanag naman ni Prof. April Perez, ng University of the Philippines-Filipino Department,  malaki rin ang nagagawa ng teknolohiya at modernisasyon sa paggamit ng ilang salita.

Aniya, higit na akma na gamitin ang mga salita na may kinalaman sa modernong panahon at mas nauunawaan ng mas malaking bahagi ng populasyon



Kabilang na marahil ng pagbabagong ito ang pag-usbong ng ilang salita na likha ng mga ilang mga pangkat ng ating lipunan, tulad ng "bekimon" ng mga gay at ang tinatawag na mga "jejemon."

Natural lang sa mga pangkat na ito na mag-imbento ng sarili nilang salita para hindi maunawaan ng iba





Reference:
https://kendellight.wordpress.com/author/keldyyyyy/

http://www.gmanetwork.com/news/story/204050/lifestyle/mga-chika-chismax-at-chukchak-ni-pete-lacaba

http://www.gmanetwork.com/news/story/376707/news/ulatfilipino/ang-pagsabay-sa-uso-ng-wikang-filipino#sthash.eH9c6lvh.dpuf

https://www.youtube.com/watch?v=P6pfl6hyw74



The Beatles


Yes, Maraming kabataan ang di na nakakakilala sa grupong "The Beatles". Bihira na lamang na ang mga kabataang tulad ko ay nakakaalam sa mga kanta nila. I'm not a fan of Beatles and definitely not a hater, but dahil naging isang malaking parte sila ng industriya ng musika, nararapat lamang na mabigyang pansin ang kanilang mga naiambag sa ating music industry. Simpleng pakikinig sa kanilang musika ay maaaring makaimpluwensya sa iba at maaari ring bumuhay muli sa kanilang musika. Bago o Luma mang musika, itoy mahalaga at dapat tangkilikin. Bawat isa sa kanila ay nagambag at may parte sa inudtriya ng musika. Bawat kanta ay may puwang sa ating puo't isipan.