Minsan ko nang naitanong yan sa sarili ko. I don't know kung
bored ako nun o sadyang naganalyze ako.
Basta, Pumasok lang yun sa isip ko.
Napaupo nalang ako sa kama ko habang pinagmamasdan ang
Repleksyon ko sa kaharap kong salamin.
"Hoy. Walang Kwentang Anak! Maglaba ka na dito bilis!
Pucha! Wag pabagalbagal" Narinig kong sigaw ng nanay ko.
Papunta na sana akong banyo nang bigla nalang akong
sinikmuraan ng Tatay ko. Halos di ako Makahinga sa sakit ng pagkakasuntok nya
sa akin. Tiningnan ko sya, Senyas ng pagtatanong ko kung "bakit?"
"Bastardo! Ikaw nanaman ba ang kumuha ng pera ko dito
sa Wallet ko. Halos wala na nga tayong makain, Magnanakaw ka pa. Pucha"
Imbes na sumagot, Tinungo ko nalang ang kwarto ko upang
kunin ang alkansya ko para ipambayad sa ibinibintang sa akin ni tatay.
"Nasan na yung laman" Napabulong nalang ako nang
makita kong wala nang laman maski piso ang alkansya ko. Kinuha nanaman siguro
to ng kuya ko para pang inom nya.
Rinig ko ang nanay at tatay ko na sabay sabay na
nagsisisigawan at galit na galit sa akin. Rinding rindi na ako.
Kinandado ko ang pinto ng kwarto ko. Hinarap ko ang salamin
pati ang Repleksyon ko.
Oo.
Naiintindihan ko na ang lahat.
"We can pass through mirrors but our reflection is
protecting and blocking us, Because they know that the other side is Horrifying
and Painful"
I must be in the wrong side.
I am the Reflection

Akala ko totoo :) Good job Ja HAHAH
ReplyDelete